Sunday, September 5, 2010

Tagong Himno

Ang ilaw sa tanaw ay di-napaparam
Huwag ka lang magpaalam.
Sa pagiisa ika’y binuong sigla
Wika sa piping lumbay tila.
Luhod sa araw ng kalayuan
kulang na di-mapunan.
Lawing na walang pakpak,
Ngunit sapa’t ika’y hanging hawak.
Lipad sa kahinaang abo
ang tinig na taglay at amo.
Tugon sa liman-libong anino
na nagmula sa isang tao.
Halika balik sa piling
ito ang walang hanggang daing.
Subalit ang dila pinako.
Ang puso pilit sinako.
Agam sa walang kasiguruhan
Ang pagtigil ng tubig ng buwan.
Ngayo’y wasto sa angulo
mistulang tunay na bato.
Hiyaw na ‘sing tamis ng awit
Laman din ang ‘di madinig na pait.
Lasa na ayaw tikman
dahil baka tunay na matauhan,
na ang kapalaran ay di-gagalaw
sa takot na ayaw pakalaw.
Isang tunay na saliw.
Isang himig na ayaw.
Pigil na tibok sa takot,
isang bukas na ikapupoot.



*a poem of July 3, 2006

No comments:

Post a Comment