Sunday, March 21, 2010

Ang Simulain

Alitaptap at Alipato

Isang mailap na ningning sa puwang ng dilim,
nila'y sa gabi ay napupukaw ng abang ilaw.
Mistulang piraso ng talang magalaw
sa luntiang pansin ang paglipad sa ulap.
maski sa itim na babalot sa hapong pula
kubling romantica kinulay yaong mula.
sasamang ligaw mula sa digma o laro
ito ang alitaptap paliko o deretso gabay san man dako.

Isang nagsasayaw na ningas mula sa apoy
munti pero dula'y sadyang masilay.
Sa bugkos ng init ang kanyang mulang buhay
batid sa luntiang saglit ng malay.
Isang layon ang idadaloy sa sadyang mata
ang pagtungo sa langit at kung san isinta.
Mawawala sa ligid ngunit ang layon saliw sa tono
ito ang alipato sa sunog o sulo sasaklaw sa buong koro.

Mistulang natatangi ang dalawa,
ordinaryo ngunit pinintang hinga sa aking tanto
gunita tila andito at naglalaro.
Sa gabing yaong nilamon ng sampung-libong anino
Maging sa araw na ang liwanang ay abono.
Buhay sadya, sukat sa biglang malay
ang alitaptap ang tanglaw, buhay at akbay.
Dama sa abang yugtong maligno't santo
ang buhay kong puno ng kwento.

Pangarap at kalungkutan ang baluti ng lakbayin,
ngiti at kabiguang markang tao,
minsang galit at tibok ng pag-ibig
ang ilang kulay ng apoy sa aking himig.
Mula sa tao ang buhay ng alipato
ang mismong pluma na susulat sa ulap at bato.
Bagamat saglit ang ningas ng sipi
ang paglaho ay iba sa bula ng saing
ngunit yaong tutunaw o huhubog sa ating mithi.

Sumulong maging sa pag-abo.
Humayo maging sa pagupod ng kalyo.
Kulayan ang wari uling na pinta.
Magdiwang maging sa piling ng dusa.
Akapin ang ngayon sa tipang kita.
Ang hinga ng buhay mula sa kuna.
Hiling makita ang alitaptap at alipato
marahil sa salamin...andito at ako.


-benjamin ryan raƱeses, III

1 comment:

  1. Sir pag kayo ang na inlab malalim :)Mahirap maghanap ng taong maintindihan ugn ganitong side kasi weird sa iba :) kahit ako kasi nahihirapan din maghanap nung taong pyschotic at weirdo hahaha :) But then again dito lng ako para intindihan ka mabuti sa mga blogs mo mejo madugo pero sige kakayanin ko :) sa ngayon di ko pa sya magets :) give me time to digest this hehe mas magaling kasi ako mag decode sa death qoutes kesa sa love hehehe mahina ako sa ganito pati sa tagalog hehehe :) Anyhow, Good job keep it up :) I'll look forward to your next blogs :)

    ReplyDelete